Wednesday, October 3, 2018

Oktubre 03, 2018

 


                  Sa paglipas ng panahon, unti-unting umusbong ang teknolohiya sa ating mundo. Maraming mga nakasayan noon na unti-unti ng nawawala ngayon dahil napalitan na ang mga dating libangan ng mga makabagong teknolohiya, mga nakagawiang kinalimutan at nawala nalang bigla.

     Noon paglalaro lang sa labas masaya na ang mga kabataan. Maraming mga larong lansangan ang nilalaro ng mga bata tulad ng tumbang preso, reskate, luksong baka, patentero, tagu-taguan, langit-lupa, sipa at maraming pang laro.  Mapa umaga, tanghali at sa gabi marami kang makikitang mga kabataang naglalaro sa lasangan noon. Ngayong bagong henerayon, ang mga larong lansangan ay napalitan na ng Dota, Mobile Legend, Candycrush, Helix jump, Counterstrike, BMX, Super Mario, Plant vs. Zombies, ROS at iba pang mga mobile games na kinahihiligan ng mga kabataan ngayon.

                    Noon telegrama lang ang ginagamit upang makipag-usap sa mga mahal sa buhay, sa mga kamag-anak at kaibian. Kalian mo pang maghintay ng ilang araw para mabasa ang liham at kailangan pang magbayad ng napakalaking halaga sa bawat salitang naisulat. Dahil dito, nahuhuli sa balita ang mga kamag-anak kung mayroon mang mga aksidente o mahahalagang impormasyon na ipinadala ng mga sumulat. Ngayon sa bagong haenerasyon, isang pindot mulang sa Cellphone ay makapaghahatid kana ng impormasyon sa mga kamag-anak at kaibigan mo. Maging mataas at mahaba pa ang pag-uusap ninyo. Marami na ring mga teknolohiya ngayon ang maaaring gamitin sa pakikipagkomunikasyon tulad ng sa kompyuter mayroon ng Facebook, Twitter, Yahoo, Gmail at marami pang iba.

                    Noon laganap pa ang mga mahihinhin at magagalang, ang mga lalake ang siyang umaakyat ng ligaw, nanghaharana at masisipag sa mga trabaho. Ang mga babae naman ay malumanay, umuuwi ng maaga at tumutulong sa mga gawaing bahay. Ngunit sa henerasyon, marami ng pinauso ang mga kabataan, tulad ng pagala, pababad sa mga gadgets at pagpunta sa mga party. Nagiging tamad na ang mga kabataan ngayon at karamihan ay hindi na marunong gumalang at rumespeto. May mga kataga silang pinapauso tulad ng “Ikaw diay, pungkol ka?” (Ikaw kaya, pilay kaba?), “Imong mama!” (Yung mama mo). Masasabing mas natuto ang mga kabataan ngayon sa mga kabalastugan at hindi magandang pag-aasal. Marami na rin sa mga kabataan ngayon ang lumalaban sa kanilang mga magulang at marunong sumagot-sagot. Kung dati nga ay uso ang mga damit na balot halos ang buong katawan at palda na matataas, ngayon ay tila nagkukumpentensya na sa pa-iksian ng damit at halos hubad na.

                    Talagang napakalaking pagbabago ang nagaganap sa ating henerasyon mula noon hanggang ngayon. Habang umuusbong ang mga teknolohiya ay lalong nagiging sabay rin sa uso ang mga tao. Kung ano ang bago, sunod ka dapat sa uso ng hindi ka mapag-iwanan ng panahon ika nga.

                   

                    Nakakatulong nga kaya talaga ang pag-usbong ng bagong teknolohiya at pagdating ng bagong henerasyon?