Sa paglipas ng panahon, unti-unting umusbong ang
teknolohiya sa ating mundo. Maraming mga nakasayan noon na unti-unti ng
nawawala ngayon dahil napalitan na ang mga dating libangan ng mga makabagong
teknolohiya, mga nakagawiang kinalimutan at nawala nalang bigla.
Noon
paglalaro lang sa labas masaya na ang mga kabataan. Maraming mga larong
lansangan ang nilalaro ng mga bata tulad ng tumbang preso, reskate, luksong
baka, patentero, tagu-taguan, langit-lupa, sipa at maraming pang laro. Mapa umaga, tanghali at sa gabi marami kang
makikitang mga kabataang naglalaro sa lasangan noon. Ngayong bagong henerayon,
ang mga larong lansangan ay napalitan na ng Dota,
Mobile Legend, Candycrush, Helix jump, Counterstrike, BMX, Super Mario, Plant
vs. Zombies, ROS at iba pang mga mobile games na kinahihiligan ng mga
kabataan ngayon.
Noon
telegrama lang ang ginagamit upang makipag-usap sa mga mahal sa buhay, sa mga
kamag-anak at kaibian. Kalian mo pang maghintay ng ilang araw para mabasa ang
liham at kailangan pang magbayad ng napakalaking halaga sa bawat salitang
naisulat. Dahil dito, nahuhuli sa balita ang mga kamag-anak kung mayroon mang
mga aksidente o mahahalagang impormasyon na ipinadala ng mga sumulat. Ngayon sa
bagong haenerasyon, isang pindot mulang sa Cellphone
ay makapaghahatid kana ng impormasyon sa mga kamag-anak at kaibigan mo.
Maging mataas at mahaba pa ang pag-uusap ninyo. Marami na ring mga teknolohiya
ngayon ang maaaring gamitin sa pakikipagkomunikasyon tulad ng sa kompyuter
mayroon ng Facebook, Twitter, Yahoo,
Gmail at marami pang iba.
Noon laganap pa ang mga mahihinhin at magagalang, ang mga
lalake ang siyang umaakyat ng ligaw, nanghaharana at masisipag sa mga trabaho.
Ang mga babae naman ay malumanay, umuuwi ng maaga at tumutulong sa mga gawaing
bahay. Ngunit sa henerasyon, marami ng pinauso ang mga kabataan, tulad ng
pagala, pababad sa mga gadgets at pagpunta sa mga party. Nagiging tamad na ang mga kabataan ngayon at karamihan ay
hindi na marunong gumalang at rumespeto. May mga kataga silang pinapauso tulad
ng “Ikaw diay, pungkol ka?” (Ikaw kaya, pilay kaba?), “Imong mama!” (Yung mama
mo). Masasabing mas natuto ang mga kabataan ngayon sa mga kabalastugan at hindi
magandang pag-aasal. Marami na rin sa mga kabataan ngayon ang lumalaban sa
kanilang mga magulang at marunong sumagot-sagot. Kung dati nga ay uso ang mga
damit na balot halos ang buong katawan at palda na matataas, ngayon ay tila
nagkukumpentensya na sa pa-iksian ng damit at halos hubad na.
Talagang
napakalaking pagbabago ang nagaganap sa ating henerasyon mula noon hanggang
ngayon. Habang umuusbong ang mga teknolohiya ay lalong nagiging sabay rin sa
uso ang mga tao. Kung ano ang bago, sunod ka dapat sa uso ng hindi ka
mapag-iwanan ng panahon ika nga.
Nakakatulong
nga kaya talaga ang pag-usbong ng bagong teknolohiya at pagdating ng bagong
henerasyon?